carloTIPS AND TRICK IN SURVIVING HIGH SCHOOL
- Carlo Tipay

- Sep 23, 2018
- 3 min read
High school holds the most memorable and unwanted period in our lives. We meet amazing and horrible people here. We ended up liking both of them. Surviving high school is going to be a really tough job since we are experiencing a transition between being a child going to our adulthood. This post sums up most of the things I do personally, my mind set, and work ethic in order to survive my high school life.
Here are 5 TIPS AND TRICKS in surviving high school that I do personally and can be relevant to most of us.
1. Gumising ng maaga kaysa magpuyat magdamag.

Kung gusto mong magreview para sa isang quiz o exam, mas maganda kung beforehand mag-review kana since ang mga exams and quizzes ay inevitable na parte ng ating mga buhay. Mas maganda kung kakabigay palang ng lessons ay aralin mo na para hindi ka na mag-cram sa huli. Subalit bilang isang estudyante ay inevitable din para sa atin ang sobrang pagpapahinga o pagiging tamad. Marahil cliché ng marinig na magsisipag ka na pero mahirap parin talagang maging masipag instantly kaya’t bumabalik tayo sa dating kagawian at nauuwi sa hindi pag-aaral ng lessons at nauuwi sa pagka-cram. Kung ganun nga ang nangyari mas mabuting gumisng ng maaga kaysa magpuyat sa gabi. Ang ating mga utak ay napapagod din at kailangan ng pahinga. Kung pipilit mong patuloy na mag-aral matapos ang isang araw na pag-aaral din ay mapapagod ang iyong utak. Mas magandang mag-aral sa madaling araw dahil nakapagpahinga na ang iyong utak at handa na itong mag-function ng maayos ulit. Mas healthy para sa karamihan ang mag-aral sa umaga kaysa mag-aral sa magdamag, di bale nalang kung kaya mong mag-review sa panaginip mo.
2. Don’t work hard, work smart.

Mayroon akong hindi makalimutang picture na talagang tumatak sa isip ko tungkol sa kung papaano dapat mag-trabaho at marahil siguro dahil mas convenient sakin na gamitin in bilang rason sa kung ano ang ginagawa ko. Marami sa mga mag-aaral ang nagiisip na kapag sobra kang napapagod sa ginagawa mo ay maganda ang ginagawa mo at produktibo, para sa akin naman, kapag mas nakakapagod mas mali ang ginagawa mo. Be smart sa paggawa ng mga trabaho. Maraming paraan na kung saan mas mapapadali ang ating trabaho pero hindi mawawala ang kalidad ng trabaho. Hindi rin nangangahulugan na kapag nauna kang gumawa ay maganda na agad ang gawa mo. Mabuting pagplanuhan ng mabuti ang trabahong gagawain para hindi masayang ang oras at lakas nyo at maiwasan ang mga masasayang na materyales sa gagawin trabaho dahil kapag planado ang bawat hakbang na gagawin ay mas magiging mabilis at madali ito.
3. Mag-focus sa mga gusto mong subjects, pero wag i-disregard ang ibang subjects.

Mayroong mga subjects talaga na gusto natin aralin ng husto dahil nagagandahan tayo sa mga lessons ng subject kahit na alam nating mahihirapan tayo. Meron din namang mga subject na kahit gaano kadali ay hindi talaga tayo interesado dito. Kailangan nating magfocus sa mga subjects na gusto natin para masatisfy yung thirst natin para sa subject na yun o dahil sa tingin natin malaking tulong kapag na-master natin ang subject na yon. Wag din nating kalimutan ang iba pang mga subjects dahil una mayroong mga lessons ditto na maaring makatulong sa atin balang-araw. Pangalawa para makapasa, kailangan parin natin ang mga subjects na ito para pumasa tayo o maging isa sa mga top students ng klase. Maaring hindi kasi laki ng effort ang ine-exert natin sa ibang subjects kumpara sa mga subjects na gusto natin pero kailangan nandun parin ang effort natin.
4. Wag masyadong mag-aral, wag din masyadong laid back.

Alam nating kung gaano nakakapagod ang pag-aaral, lalo na kung sasabayan pa ito ng iba’t ibang mga dapat ipasa. Pero pag-aaral ng sobra sobra sa kaya ng ating katawan at utak ay maaaring mag-cause ng burn out sa atin at sobrang pagod. Iwasan natin na sobrang pagurin ang ating sarili to the point na mahihirapan na tayong makatulog dahil mas importante ang health natin kaysa sa anong bagay. Kaya paminsan minsa kailangan din nating magpahinga para makabawi sa ating pagod. Pwedeng sumama sa ating mga kaibigan, lumabas, maglaro. Pero huwag din tayong masyadong magpahinga to the point na wala na tayong nagagawang mga bagay na dapat nating gawin. Kailangan balanse lamang lahat.
5. I-enjoy ang pagiging bata pero wag sirain ang kinabukasan.

Kung sa palagay natin na ang pagiging isang estudyante ay pinipigilan ang pagiging estudyante natin dun ka nagkakamali. Pwede naman tayong magenjoy bilang mga estudyante, humanap ng mga kaibigan at gumawa rin ng mga kalokohan tulad ng mga iniisip niyo pero wag din nating kakalimutan ang mga responsibilidad natin bilang mga mag-aaral, mga anak at ang social responsibility natin sa bayan. Siguro nga medyo cheesy pakinggan o “cringe-worthy”, hindi natin maikakaila ang mga responsibilidad na kaakibat ng mga bagay na gagawin natin. Malaki ang pagkakaiba ng pageenjoy natin sa ating buhay highschool sa pagsira natin sa tsansa natin para sa mas magandang kinabukasan.
Comments