kirsTEN COMMANDENTS TO EXPERIENCE A HAPPIER HIGH SCHOOL LIFE
- Carlo Tipay

- Sep 23, 2018
- 8 min read
1. Thou shall not tutunga-tunganga.

This is the number 1 most important rule sa high school. bawal ang tutunga-tunga meaning bawal ang tamad. We are no longer elementary na ang assignments ay magsagot lang ng activities sa book. At ang projects ay naglalaro lang sa pagpapasa ng illustration board na may design at quotes na nakabalot ng plastic cover, pang display ng teacher mo sa dingding. Elementary is really different from high school. Dati talaga okay pang nanay mo gumagawa ng assignment mo pero now miski nanay mo susuko sa dami mong assignments. Ang mga students na tutunga-tunga sa high school, sila ang madalas napag-iiwanan ng panahon. Tamang sabihing daig ng matiyaga ang matalino. Marami akong kilalang nalalamangan ng mga masisipag yung mga kaklase nilang matalino. Ang labanan kasi sa high school ngayon kung sino pinakamatatag na kahit anong pagawa sayo ng teacher mo kaya mo. Kaya bawal tumunganga. Start to pass your requirements on time and before exams review kung review.
2. Thou shall participate sa school clubs and organization.

Sa mga napapanood nating Hollywood movies, ideal talaga sa high school ang magjoin sa iba’t ibang clubs pero in real life hindi pala ganun kadali yon. Yung pagsali pala ng clubs mostly pinipili lang ng mga teachers. Most of time, based sa experience ko madalas mapili dito yung mga favorite ng mga teacher mo at yung pinakamaganda sa room nyo para rekta may place sya sa officers (muse agad). Ang hindi ko lang bet sa clubs ay yung club lang kayo kapag may mga paquiz bee, don lang kayo lilitaw para mag-organize. Then the rest of the school year wala ng ibang meeting. Sana sa high school days nyo, look for clubs na mageenhance ng skills nyo. I know maraming clubs ang may focus sa skills ng estudyante like arts. It requires regular meeting nga lang pero worth it kasi may matututunan ka. Wag natin hanapin yung coolest club, let’s seek clubs na makakatulong sayo mag-grow and mahanap yung belongingness mo.
3. Thou shall get outside their comfort zone and be matapang.

Pag high school ka na, bawal na ang pa-baby. I mean, bawal na isip bata na takot mag-commute kesyo sanay kasi walking distance lang hanggang school. Bawal din yung takot tumawid sa kalsada, na ayaw tumawid na walang kasama. Well para sa kin kasi, nakikita ko yung high school as a guide to be independent. Ito kasi yung time na dapat mafeel mo na hindi mo kailangan magdepend sa iba. Ito kasi yung time na we are approaching adolescence. And believe me, teachers are evil sa high school. They will make you do things that you’re not comfortable with. Like pagsalitain ka sa harapan during reporting. Pakantahin ka at pasayawin kahit hindi mo yun talent at never mong ginawa sa buong buhay mo yun. Walang mercy, bawal mong sabihin “sir di kop o kaya” “sir shy type po ako” “sir sintunado at parehas pong kaliwa paa ko”. Nako baka masabihan ka lang ” share mo lang” ng teacher mo. Kailangan mo talagang lumabas ng comfort zone, ang high school ay puno talaga ng mga pasabog na di mo ineexpect. Kailangan mong maging matapang, kung pasasayawin ka, sayaw lang para sa future. Pag pinakanta ka, kanta lang; sya naman ang sasakit eardrums. So shake it off dahil wala kang choice, GO para sa ikauunlad ng bansa.
4. Thou shall manage time, ang oras ay ginto.

Deadlines are cruel. Parusa sa lahat ng estudyante ang magmeet ng deadlines lalo na at sabay sabay. And dead sa deadline ay ikaw na estudyante na hindi na halos natutulog makapagpasa lang. Ewan ko ba, hindi naman pwedeng sabihin na lahat ng di nakakameet sa deadline ay nagproprocastinate pero most of the time, natatambakan lang talaga. Ganun ata talaga sa high school, hindi ikaw yung hihintayin ng deadline. Sabi nga nila habulin mo na lang ang deadline mo kaysa yung taong di ka naman gusto. Kasi may mga teacher na bet nilang magbigay na sandamukal na projects at magkakalapit lang deadline. Like practice ng sayaw habang gumagawa ng research habang nagshooshooting. Pero naniniwala pa rin ako sa power ng time management. Although hindi naman 100% natatapos mo before deadline lahat ng requirements mo pero para lang syang reminder. I mean, discipline pa rin kailangan. Kasi once you make a schedule ng lahat ng gagawin mo, make sure na masusunod mo. Kung hindi mo man masunod yun completely, at least napapagaan non lahat ng burden mo. Nababawasan yung mga nasa listahan mo nang gagawin. Kasi believe me, ginto ata talaga oras. Para syang pahard to get na chix kahit anong iyak mo dyan hindi yan maghihintay sayo. Patuloy syang lilipas kaya kung kukupad-kupad ka pa, for sure maiiwan ka.
5. Thou shall have time para sa sarili.

High school is not just about schooling. Natutunan ko na hindi ka lang tinutulungan matuto pero gusto rin nilang mag-grow ka as a person. May mga times na nakakalimutan natin kung sino tayo sa kalagitnaan ng high school days natin. Maybe we are stress and pressured and sineset aside natin yung sadness sa loob natin. Kala natin lahat ng problema about sa school na lang, hindi natin alam napapabayaan natin sarili natin. Marami akong kilalang sobrang nadepress not because of low grades but because of losing themselves. Hindi tayo robot na kayang magfunction ng dire-diretso nang hindi napapagod but even robots nag-ooverheat. As a human, kaya natin magpanggap na di tayo napapagod pero napupuno tayo. Napupuno meaning yung emotions natin may changes, nafifill tayo ng iba’t ibang emotions at nagooverheat din tayo. If we can make time for our school projects, im sure we can also make time for ourselves. At the end of the day, tulad ng sabi ng mga magulang natin; saying talino natin kung mamamatay tayong maaga. Sino tatanggap lahat ng recognition para sa atin kung di tayo aabot sa point na yun. Having time para sa sarili mo is pagiging selfish in a good way and in a right amount.
6. Thou shall be a little makasarili.

As an aspiring student, may mga bagay tayong iniingat-ingatan; isa na doon yung mga sagot natin during exams. Well para kasi sa akin, yung sagot ko akin lang; walang dapat makinabang na iba doon kundi ako lang din. Ako kaya nagpakahirap magreview ng madaling araw may masagot lang sa exam tapos makokopya lang. sa high school kasi uso parasite. Yung tipong aaligid aligid sayo kasi may kailangan. Ang toxic ng mga ganitong type ng tao sa totoo lang, yung kilala ka lang pag may exam. Yan yung magsimula sa ¼ hihingin sayo bonus kung pati bolpen mo hihiramin pa at syempre yung sagot hindi nya yun makakalimutan. Kulang na lang ipagsulat mo sya ano. Bakit may mga ganitong tao? Nakakainis lang na pare-parehas tayong nangangarap pero di lahat nagsusumikap. May times pa na mas matataasan ka nila nakakaasar. Para sa mga taong ganito, grow up! Ang tatanda nyo na wala pa kayong paninindigan. Wala kayong pinagkaiba sa mga taong nangongodigo; pare-parehas lang kayong madadaya. Kaya mag-ingat na lang din tayo sa mga kakaibiganin natin. Hindi yan lahat tunay na kaibigan; ang iba dyan mayroon lang kailangan. Walang masama sa pagiging makasarili; ang masama ay ang magtolerate sa kamangmangan ng ibang tao.
7. Thou shall have fun pero di makakalimot.

Sa high school ka makakaexperience ng maraming bad influences. Ditto maraming natetempt na magtake ng risks at magkaroon ng bisyo. Maraming nagpapatattoo, umiinom, nagyoyosi at nagpaparty. Ang definition kasi ng fun of some teenagers, ay paggawa ng ganitong mga bagay. Ito kasi yung mga ways na they think these help them to express themselves. Pero I know limitations ang magseset ng boundary natin. Baon lahat ng Filipino values na tinatak sa atin ng magulang natin habang lumalaki tayo. Fun is more fun when you are doing the right thing. I mean mas maganda na wala tayong ireregret after we choose to be happy. Wala tayong iisipin na nilabag tayong rules and yung mga decisions na ginagawa natin ay makakasakit sa mga mahal natin sa buhay. We have to establish the right amount of fun. It must be something na healthy para sa ating teenagers na lalo pa’t wala pa sa legal age. Huwag makakalimot ng tama sa mali. Have fun while using your head.
8. Thou shall make totoong friends.

Well, this is my favorite part sa aking high school life. Boring ang high school life ng walang friends. Malungkot na mapapatanong ka sa sarili mo kung gaano ka ba kaweirdo para walang makipagkaibagan sayo. Though it is easy to make friends sa high school pero mahirap humanap ng totoo. Sa high school kasi you’ll meet different kind of persons. Minsan kailangan mong mahanap yung mga kauri mo, yung tipong una “hi” “hello” nyo palang magcli-click na kayo. Ang rule lang sa pagpili ng iaapproach mo is find someone na sa tingin mo kalevel mo rin. Hindi lang sa movies nag-eexist ang mean girls. Sa real life andyan din sila, kaya iwasan mo na hangga’t maaga. 2018 na uso na cyberbullying, kahit wala kang gawin mabubully at mabubully ka. Find friends not enemies. I mean okay lang kahit kaunti lang makita mong kaibigan basta wag ka lang gagawa ng kaaway kasi hanggang hindi natatapos ang 6 years mo sa high school; dadalhin mo sya. Find real friends na kahit 2 or 3 lang yan basta magsstay at hindi ka jujudge kahit talsik laway mo pag nagkwekwento with matching actions pa. hindi mo lang sila sa saya makakasama kahit pa sa hirap handa ka nilang samahan para lang matulungan ka. And once na nakita mo na sila, don’t take them for granted.
9. Thou shall learn from mistakes; matuto sa katangahan.

Sa high school hindi lang puro knowledge ang pwede nating maacquire. Madalas yung pinakamahahalagang bagay pa ang nakukuha natin, something na pwede natin magamit sa lahat ng oras at pagkakataon; hindi tulad ng mga formulas limited lang kung saan gagamitin. Ito yung mga values o mga aral ng buhay. Madalas itong mga values na ito ay hindi lumalabas sa bibig ng ating mga guro o kamag-aral; tayo mismo ang pinanggagalingan nito. Tayong mga estudyante kasi lagi tayong nakatingala sa mga pangarap natin na hindi natin namamalayan ang dinadaanan natin. Dahil dito madalas tayong nadadapa; itong pagkadapa ay ang mga pagkakamali nating nagagawa. It can be wrong decisions na nauuwi para makasakit tayo ng ibang tao at worst ay ang sarili pa natin. Sabi nga ng isa kong kaklase, we can’t fall on the same spot again. Meaning kailangan natin tumayo and do things right after that we take another step but expect na pwede ka ulit madapa o magkamali but at least you are already over with the previous mistake because you learn from it. The next time you’ll it will be different and new values ulit ang makukuha mo. Maraming beses kang magiging tanga at though walang nagbibilang; hindi ka dapat forever maging tanga. Learn from it.
10. Thou shall survive; walang us2 q na mamatay.

Sabi nila mahirap daw talaga ang high school. legit pa talaga yun. Pero we can’t skip it unless sobrang gifted natin. Sa ayaw at sa gusto natin; kailangan natin syang harapin kasi ito lang yun way na maaabot natin mga pangarap natin. I mean, ito talaga purpose ata nating mga tao; ang matuto ng mga kaalaman at ma-enhance ang pagkatao natin. Kaya para sa mga taong malapit nang sumuko, huwag. May reason si God kung bakit nya ito ginagawa at hindi nya ito gagawin kung alam nyang hindi natin kaya. Maraming estudyante sa high school ang nadedepress at nauuwi sa suicide pero hindi lang iyon ang way. Pwede tayong magpahinga then bumalik ulit sa laban kasi marerealize natin nagsstart palang tayong madiscover ang concept ng buhay. Kung nahihirapan tayong mag-aral paano pa mga magulang natin na iginagapang ang pag-aaral natin pero nakukuha pa ring ngumiti na parang wala lang. madaling sabihin wag sumuko kapag alam mo ang mga bagay na pwede mong pagkunan mo ng lakas. At sa ngayon mayroon dalawang pwede, iyon ay si God at ang pamilya mo.
Comments